Home
| Juan
4:24 - Genesis 1:26-27 Bakit
sinabi na nilalang ng Diyos ang tao ayon sa kaniyang larawan? Dapat sana
espiritu din tayo sa kalagayan tulad ng Diyos. Hindi kaya magkasalungat
ang dalawang talatang ito? Hindi maaaring magkaron ng salungatan sa bibliya o banal na kasulatan sapagkat ang Panginoong Diyos na makapangyarihan sa lahat ang nagpasulat ng kaniyang mga salita na nasa bibliya. Mababasa sa: “Ganito
ang sinasalita ng Panginoon, ng Dios ng Israel, na nagsasabi, Iyong
isulat sa isang aklat ang lahat ng mga salita na aking sinalita sa iyo.” Hindi
lamang ang Panginoong Diyos na makapangyarihan sa lahat ang nagpasulat
ng kaniyang mga salita na nasa bibliya o sa banal na kasulatan kundi
kinasihan ng Diyos hindi lamang ang mga tao na inutusan niyang sumulat
ng kaniyang mga salita kundi maging ang bibliya o ang banal na kasulatan
ay inspired o kinasihan ng ating Panginoong Diyos. Iyan ay pinatunayan
ni Apostol Pablo: “Mula
pa sa pagkabata, alam mo nang ang Banal na Kasulatan ay nagtuturo ng
daan ng kaligtasan sa pamamagitan ng pananalig kay Cristo Jesus.” “Lahat
ng kasulata’y kinasihan ng Diyos at magagamit sa pagtuturo ng
katotohanan, pagpapabulaan sa maling aral, sa pagtutuwid sa likong
gawain, at sa pag-akay sa matuwid na pamumuhay.” Nabasa
natin na ang Banal na Kasulatan ay kinasihan ng ating Panginoong Diyos
kaya ang salita ng Diyos na nakasulat sa bibliya magagamit sa pagututuro
ng katotohanan ito rin ang magtuturo sa tao para makamit ang kaligtasan
at ang tunay na pananampalataya sa ating Panginoong Jesucristo. Kaya ang mga salita ng Diyos ay magkakawangis walang salungatan at iyan ay nakasulat din sa Banal na Kasulatan: “Na
ang mga bagay na ito ay atin namang sinasalita, hindi sa mga salitang
itinuturo ng karunungan ng tao, kundi sa itinuturo ng Espiritu; na
iwinawangis natin ang mga bagay na ayon sa espiritu sa mga pananalitang
ayon sa espiritu.” Kaya
hindi maaaring magkaron ng salungatan o kontradiksyon sa mga salita ng
Diyos na nakasulat sa bibliya Hindi
kaya magkasalungat ang mga talatang Juan 4:24 at Genesis 1:26-27? “At
sinabi ng Dios, Lalangin natin ang tao sa ating larawan, ayon sa ating
wangis: at magkakaroon sila ng kapangyarihan sa mga isda sa dagat, at sa
mga ibon sa himpapawid, at sa mga hayop, at sa boong lupa, at sa bawat
umuusad na nagsisiusad sa ibabaw ng lupa.” “At
nilalang ng Dios ang tao ayon sa kaniyang sariling larawan, ayon sa
larawan ng Dios siya nilalang, nilalang niya sila na lalake at babae.” Totoong
nakasulat sa bibliya ang tao ay nilalang ng Diyos na maging kalarawan
niya subalit natitiyak natin ang tinutukoy dito ay hindi sa likas na
kalagayan ng Diyos kalarawan ang tao. Bakit? Sapagkat gaya din ng
binanggit sa Juan 4:24 ang Diyos ay Espiritu “Ang Dios ay Espiritu: at ang mga sa kaniya’y nagsisisamba ay kinakailangang magsisamba sa espiritu at sa katotohanan.” (Juan 4:24) Ang
Diyos sa kaniyang likas na kalagayan ay espiritu. Ano ang ibig sabihin
na ang Diyos ay espiritu? “Tingnan
ninyo ang aking mga kamay at ang aking mga paa, ako rin nga: hipuin
ninyo ako, at tingnan; sapagkat ang isang espiritu’y walang laman at
mga buto, na gaya ng inyong nakikita na nasa akin.” Ayon
kay Cristo ang espiritu ay walang laman at mga buto, walang materya kaya
hindi nakikita ng ating mga mata. Kaya ang tunay na Diyos na
makapangyarihan sa lahat, ang Ama na nasa langit, dahil sa siya ay
espiritu hindi nakikita ng ating mga mata, walang laman walang buto
kumpara sa tao. Ang tao may laman may buto gaya ng nasusulat: “At
sinabi ng Panginoon, Ang aking Espiritu ay hindi makikipagpunyagi sa tao
magpakailanman sapagka’t siya ma’y laman:…” Ang
tao ayon sa bibliya may laman. Kaya ang binanggit ng Panginoong Diyos na
“lalangin natin ang tao ayon sa ating larawan” natitiyak natin na
hindi niya kalarawan sa likas na kalagayan. Saan nais ng Diyos maging
kalarawan niya ang tao na kaniyang nilalang? “Magbago
na kayo ng diwa at pag-iisip:” “at
ang dapat makita sa inyo’y ang bagong pagkatao na nilikhang kalarawan
ng Diyos, kalarawan ng kanyang katuwiran at kabanalan.” (Efeso
4:23-24, MB Nais
ng Diyos na maging kalarawan niya ang tao sa katuwiran at kabanalan.
Bakit nais ng Diyos na ang tao na kaniyang nilalang maging kalarawan
niya sa kabanalan? Ano ang katangian mismo ng Diyos na lumalang sa tao “Ngunit
yamang banal ang sa inyo’y tumawag, ay mangagpakabanal naman kayo sa
lahat ng paraan ng paraan ng pamumuhay:” “Sapagka’t
nasusulat, Kayo’y mangagpakabanal: sapagka’t ako’y banal.” Ang Diyos na makapangyarihan sa lahat na lumalang sa tao ang sabi Niya “ako’y banal”. Ang mga tao na Kaniyang nilalang? Ang sabi Niya “Kayo’y mangagpakabanal”. Kaya walang salungatan sa dalawang talata na nabanggit. Ang tao na nilalang ng Diyos nais ng Diyos na maging kalarawan Niya hindi sa likas na kalagayan kundi sa kabanalan sapagkat ang Diyos mismo na lumalang sa tao ay banal. This page is maintained and managed by Romano D. For comments and suggestion you may contact the author. Back to top or index
|